WHEN WORK SEEMS DIFFICULT: A Testimony of Patricia Anne


Hi everyone.
I’m Tricia.
Ako po ay isang guro.




After college, nagsimula akong magturo sa isang Private School. Syempre iba na ang sitwasyon ngayon. Dati nag-aaral lang ako pero ngayon ako na ang magtatrabaho. Hindi na ako bibigyan ng pera ng parents ko dahil ako na ang magsisipag para sa sarili ko. Dati, nauubos ang oras ko sa pag-aaral. Puro pag-aaral, pag-aaral at pag-aaral ang inatupag ko nung nasa College ako. Gusto ko kasi matuwa yung mga taong nakapalibot sa akin. I want to please them and not God. Akala ko magiging masaya ako na makitang proud yung parents ko sa mga natanggap kong awards pero na-feel ko pa rin ang emptiness sa puso ko sa kabila nun. Alam ko namang may God dahil laking Sunday school ako at nagsisimba na ako sa Christian Church elementary pa lang ako. Pero kinakausap ko lang Siya kapag may hiling ako o di kaya kapag may problema lang ako. Dun ko lang Siya naaalala. Puro kasi sarili ang iniisip ko.

Hindi nagbago yun kahit nung nagsimula na akong magtrabaho. Kung dati puro aral ang ginagawa ko, ngayon puro work naman. Sa Private School ay 7:00am ang pasok hanggang 5:00pm pero dahil nga Private School siya at tambak ang mga paperworks, umaabot lagi ng mga 7:00 or 8:00pm ang uwian namin. Wala na naman akong time sa pamilya ko at kay God. Dahil si Jesus ay nasa isipan ko lang at wala sa puso ko, puro stress, puro problema, at puro lungkot lang ang aking nararamdaman. Madali akong nagagalit sa mga bagay at unti unting nawawalan ng gana sa pagtatrabaho.

Then One day, kinulit ako ng schoolmate ko nung College, si Bujay, na umattend sa Singles dito sa CCF Muntinlupa. Then, by God’s grace, May 3, 2013, I decided na pumunta. Medyo nahihiya pa ako nun kasi ako lang mag-isa. Nung time na yun ay si Marchelle, ang discipler ko ngayon ang aking nakilala. Wala siyang kasama kaya one on one kaming dalawa. Noong time na yun, mas naintindihan ko na ang JOHN 3:16. Memorize ako ng memorize dati pero ngayon, naisapuso ko talaga siya. Naintindihan ko na, FOR GOD SO LOVED the world that He gave His ONLY BEGOTTEN SON, that whoever believes in HIM shall not perish but have ETERNAL LIFE. Wow! As in wow. Nalaman ko na hindi pala ako mabuting tao. All this time, ang dami ko palang kasalanan. Ang dami kong kasinungalingan sa magulang ko. Ang dami kong maling ginawa sa mata ng Diyos. Pagkauwi ko sa bahay, nagPray ako at talagang buong buo kong tinanggap si Jesus as my Lord and my Savior. I repented from all my sins, I surrender my life to Him and I completely trust Him. Now, I have Jesus in my heart.

Nagresign na ako sa Private School na tinuruan ko at nag-apply sa Public School. Mahirap po mag-apply sa Public School dahil ang daming requirements, may interview at may demo pa. Sobrang dami pero I trust God. Last week na ng May pero wala pa akong call. Hindi ko alam kung magkakawork pa ako pero I trust God. Lagi lang ako nagpe-pray sa Kanya. Then 2 days bago magstart ang klase, tinawagan ako ng principal at nagkawork na ako. Sa Tunasan Elementary School. Grade Six & Filipino Teacher. Yun nga lang City paid lang ako at hindi National Teacher. Ang City Paid kasi hindi pa permanente, ibig sabihin pede akong tanggalin after 1 year. Natakot ako pero I know God is in control so I trust Him and pray. After two months, napalipat ako ng school dahil yung principal namin nailipat sa Bayanan Main. Sinama niya ako dun. Pagkapunta ko sa Bayanan Main, sa Grade Six ulit ako dinala pero English naman ang subject na ituturo ko. May mga pagkakataon na hirap na hirap ako sa paperworks pero nakukuntento ako. Nagiging masaya ako. Kung siguro dating Patricia ako, lagi na lang akong stress at magco-complain pero dahil I have Jesus in my life, sobrang grateful ako sa mga nangyayari sa akin. Dumating pa sa point na masasabi ko na mahirap pala magturo. Kasi ang pagtuturo, para ka na ring magulang. Ang dami mong anak na tuturuan at didisiplinahin. Matitigas ang ulo nila. Sobrang mga pasaway. Ang hirap pero God is in control. God is always telling me to be patient and lagi kong feel ang hug Niya sa akin. Nagtitiwala lang ako sa Kanya. Ang naging sandata ko sa mga paghihirap na nararanasan ko ay Prayer. Si Lord ang kasama ko, kaya di ako matatakot. Tapos kapag may mga trials and challenges sa buhay ko, isa sa verse na nagpapalakas sa akin ay ang James 1:2-3 “My Brethen, count it all joy when you fall into various trials, knowing that the testing of your faith produces patience.” So sa lahat ng nararanasan ko sa work, alam ko natatakot ako at nahihirapan pero masaya ako kasi alam kong kasama ko Siya. Alam kong tutulungan Niya ako. Alam kong hindi Niya ako iiwan at pababayaan.

After 1 year ko sa Grade Six. Naging National Teacher na ako. Puro blessings ang narereceive ko then nilipat ako sa Grade One. Ang pinaka-ayaw kong lipatang Grade Level dahil alam kong makukulit at di ko kakayanin ang mga bata. Pero alam niyo, God is really amazing. By God’s grace, tinanggap ko ito ng maluwag at inaccept ang challenge ni Lord sa akin. Sinabi Niya sa akin na, “Anak wala akong ibibigay sa iyo na hindi mo kaya. Kaya mo yan Anak.” Sobrang peace ang naramdaman ko. Imbis magreklamo, inaccept ko ng maluwag. Pero habang tumatagal, nag-eenjoy ako sa Grade One. Mas masaya nga actually. Minsan madami pa ring problema, sa paperworks, sa mga coteachers, sa mga bata, sa mga parents nilang nagrereklamo, para sa akin, hindi na ganun kabigat o ka-stessful dahil kasama ko si Jesus. Dun ko naintindihan na ALL THINGS WORK TOGETHER FOR GOOD. Kung mapapansin niyo, ang daming changes sa buhay ko. From Private School, nilipat ako sa Tunasan Elementary School, then sa Bayanan Main. From Grade Six naging Grade One. Ang daming pagbabago. Sa totoo lang, mahirap kapag pabago bago kasi palagi kang mag-aadjust pero God is really in control. Sabi nga sa Romans 8:28 “And we know that all things work together for good to those who love God, to those who have been called according to His purpose.” Lahat ng bagay ay may dahilan. We need to trust God.

Minsan may pagkakataon na nasasaktan tayo.
May mga taong nanakit sa atin especially sa work.
Minsan may pagkakataon na nahihirapan tayo sa iba’t ibang sitwasyon lalo na sa pagtatrabaho, pero lagi nating tatandaan na meron tayong Panginoon na ready to help us.

Friends, tiwala lang. Wag tayong magsasawang magdasal sa Kanya. Wag tayong magsasawang magtiwala kay Jesus.
Anxiety happens when you think you have to figure everything out. TURN TO GOD. He has a plan.
According to Colossians 3:23
“And whatever you do, do it heartily, as to the Lord and not to men.”

How do we respond when work seems difficult? Be patient. Be calm. Cast your cares on the Lord. Pray. Trust God. Always remember that God is in control and He is a great God.

Thank you and God bless!